Posts

Showing posts from April, 2021

Kinabukasan ng mga Inaabuso

Image
       Ang pag-aabuso ng mga bata ay pangkaraniwan na sa panahon ngayon, hindi lang sa ating bansa kundi sa iba rin. Bakit ba inaabuso ng mga bata sa mga magulang o sa mas matanda sa kanila? At ano ba ang mga epekto nito sa mga bata? Maraming dahilan ang pang-aabuso ng mga bata. Ito ang ilan sa mga dahilan: ang tao ay madaling magalit, ang tao ay adik (sa droga, sa pagsugal at iba pa), ang tao ay may mga personal na problema at nadadamay lamang ang bata, at iba pa. Pangkaraniwan din ang pang-aabuso dahil ang mga bata, lalo na ang mga batang-bata pa, ay mas mahina, at madali lamang nilang masaktan ang mga ito. Ang pang-aabuso ay hindi lamang magagawa sa pisikal na pamaraan, kundi magagawa rin sa mental, at isa sa halimbawa nito ay ang pagpananakit sa pamamagitan ng pagsalita. Hindi lang ang dahilan ang mahalagang malaman, dapat alam din natin ang mga epekto ng pang-aabuso sa mga bata. Ang pinaka apektadong bahagi ng bata sa mang-aabuso ay ang kanyang kalusugang pangka...