Kinabukasan ng mga Inaabuso

 


    Ang pag-aabuso ng mga bata ay pangkaraniwan na sa panahon ngayon, hindi lang sa ating bansa kundi sa iba rin. Bakit ba inaabuso ng mga bata sa mga magulang o sa mas matanda sa kanila? At ano ba ang mga epekto nito sa mga bata? Maraming dahilan ang pang-aabuso ng mga bata. Ito ang ilan sa mga dahilan: ang tao ay madaling magalit, ang tao ay adik (sa droga, sa pagsugal at iba pa), ang tao ay may mga personal na problema at nadadamay lamang ang bata, at iba pa. Pangkaraniwan din ang pang-aabuso dahil ang mga bata, lalo na ang mga batang-bata pa, ay mas mahina, at madali lamang nilang masaktan ang mga ito. Ang pang-aabuso ay hindi lamang magagawa sa pisikal na pamaraan, kundi magagawa rin sa mental, at isa sa halimbawa nito ay ang pagpananakit sa pamamagitan ng pagsalita. Hindi lang ang dahilan ang mahalagang malaman, dapat alam din natin ang mga epekto ng pang-aabuso sa mga bata. Ang pinaka apektadong bahagi ng bata sa mang-aabuso ay ang kanyang kalusugang pangkaisipan o mental health. Ang pagkasira ng kalusugang kaisipan ay hindi madaling ayusin. Maraming karapatan ang mga kababataan, ngunit dahil sa pang-aabuso, ang ilan as mga ito ay nawala sa kanila. Ang mga epektong ito ay nagpatungo ng mga bata sa isang madilim at nasirang kinabukasan.


    Ang nagprotekta ng mga bata ay ang Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Sa batas na ito, ipinagbawal ang anumang paraan ng pang-aabuso sa mga bata. Ngunit sapat ba ito para maprotektahan lahat ng mga bata galing sa pang-aabuso? Ngayon, marami pa rin ang balita patungkol sa pang-aabuso sa mga bata, lalo na ang pang-aabuso sa online social media. Dahil sa pandemya, mas marami tayong oras na ginugol sa social media, lalo na para sa ating online class. Isa sa mga balita ay ang artikulong patungkol sa pagtaas ng online sexual abuse sa mga bata sa gitna ng Covid-19. May isang organisasyon na tinatawag na “Save the Children Philippines”, at sila ay nag-aalala tungkol sa mga bata. Sabi ng Chief Executive Officer ng organisasyon na ang pandemya ay hindi lamang health crisis, kundi ito na ay naging child rights crisis din, at dapat ito lutasin agad. Ang mga kaso ng Online sexual exploitation and abuse of children (OSAEC) ay lumaki ng 264.6 porsyento, ayon sa Department of Justice. Marami silang mga programa at mga kampanya na ginawa para magkalat ng kamalayan o awareness tungkol sa isyu na ito. May mga tao talaga na ginamit ang pandemya para magdagdag lamang ng mas malaking isyu sa lipunan. Ito ay ang nagpatunay na ang pang-aabuso ng bata ay naririto pa rin, at nadagdagan pa sa pamamagitan ng online social media. 

    Patuloy pang lumaki ang isyung panlipunan na pang-aabuso sa mga bata. Ang mga kinabukasan ng mga batang inaabuso ay nasisira, ang kanilang mga paniginip sa buhay at kanilang mga karapatan bilang bata ay unting nawala. Nadagdagan pa ang posibiladad sa maaubuso ang bata dahil sa pandemya. Ngunit marami magawa ang mga tao para kahit mapaunti ang mga biktima. Ito ay nagsimula sa pamilya ng bata, dahil sila ang may responsibilidad sa pangkalahatang kalusugan ng bata. Dapat maalagaan ng mabuti ang bata, at maprotektahan ng mabuti sa pamilya lalo sa paggamit ng social media. Pwede rin nating turuan ang mga bata kung ano ang tamang gawin kung sakaling nasa panganib sila. Dapat gawin natin ang lahat para maligtas ang mga bata at ang kanilang kinabukasan. Ang pang-aabuso ay makaapekto talaga sa kanilang kalusugan sa kanilang buhay, at iyon ay mahalaga para sa paglaki. Protektahan natin ang kanilang mga karapatan, dahil obligado silang magkaroon ng mga karapatang ito sa kanilang edad. At ang kanilang kinabukasan ay hindi lang kanilang sarili, kundi sa ating buong bayan din. Ang isyung panlipunang ito ay isa sa pinakamasama, at dapat ito matigil.


Comments